Mapagmahal na umaga sa inyong lahat. Andito po muli ako para i-report kung sino ang nanalo sa nakaraang pinoy henyo. Kailangan pa bang itanong iyon? Siyempre ang nagwagi ay walang iba kung hindi si boss Ian Mapagmahal .
Ginabi man ang tagisan ang mahalaga naging masaya kaming lahat sapagkat ay ibinigay namin ang lahat-lahat para sa gabing iyon. Kaya naman ako ay nagpapasalamat sa mga masugid nating mga kalahok.
Nahuli man si Manong Oscar ay sinikap pa rin niyang lumahok, sa kabila ng kasiyan ay pinili pa rin ni Manong Oscar para lang sa Pinoy Henyo. Ganoon din si baby kahit na gabing-gabi na sumali pa rin.
Ang magkasintahang at
ay nagpamalas ng kakaibang galing ngunit si boss Ian Mapagmahal pa rin ang nagwagi bandang huli. Sadyang hindi talaga kakayanin ang mapagmahal na si boss Ian. Iisa lang talaga ang alamat at hindi pwedeng maging dalawa.
Wala man si tita Rome roon ay nakikinig naman daw siya kahit inaasikaso niya si Ayapots. Si Ayapots na nagmamaktol noong panahon na 'yon.
Ani manong Oscar, kung siya raw ay isang paputok siya raw ay isang Sinturon ni Hudas. Sa kadahilanang dire-diretso raw ang putok at kaya ang maraming rounds. 'Yong tipong alam mong hindi na puputok pero bigla-bila na lang puputok.
Marami nga palang salamat sa inyong lahat. Walang Pinoy Henyo kung wala kayo. Sabay-sabay nga pala nating gunitain ang Araw ng mga Patay ngayon Nobyembre A Uno. Sabay-sabay rin nating ipagdasal ang mga namayapa nating mga mahal sa buhay.
- Zanjoe Marudo
- keyboard
- Pakbet
- fox
- Lasagna
- mangkok
- balot
Ian 5 Czera 2 Yenna 0 Ellen 0 Atong 0 Rome 0.
Sa mga nasalanta ng bagyo ngayon. Ibayong pag-iingat po ating gawin. Nang sa gayon ay maiwasan ang sakuna. Ingat po kayong lahat diyan sa bandang norte ng Luzon.