ANG NAKARAAN SA PINOY HENYO.
Mataimtim na naiuwi ni baby ang kampyonato noong nakaraang linggo. Humadlang man ang langit at lupa ay hindi nagpapigil ang dalaga upang maabot and dulo ng tagumpay. Datapwat bahagyang napigilan ang kaniyang pagkapanalo, naghintay siya nang masigasig upang gapiin ang mga katunggali sa naturang tagisan ng talino.
Totoo pala ang matandang kasabihan na "kay haba-haba ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy". Ibig sabihin ay ang haba-haba at ang tagal-tagal ng labanan ngunit siya pa rin pala ang magwawagi.
Siguro itinakda na talaga ng panginoon na siya ang manalo. Masarap talaga ang tagumpay, lalo na kapag ito'y nakamtam sa unang pagkakataon. Sana'y magtuloy-tuloy na ang iyong pagkapanalo. Nang sa gayon ay maitala natin sa aming listahan na ika'y isang certified Pinoy Henyo haha! Kung saka-sakali man na hindi ikaw ang pinalad, panalo ka pa rin naman sa puso ko.
Kaya naman ngayong araw ng Linggo ay inaanyayahan ko po kayong muli na lumahok sa pinakakinaaadikang laro sa discord. Ito po'y walang iba kung hindi ang Pinoy Henyo Discord Edition.
Nanawagan po akong muli, na kung sino man diyan ang may busilak na kalooban ay mangyari lang po na mag-donate sa Pinoy Henyo. Nang sa gayon ay mapalaki po natin ang ating papremyo at lalung paipamalas ng ating kalahok ang kanilang 1000 porsyento.
Sa tingin ko po kasi ay hindi pa po nila gaanong nilalagpasan ang kanilang mga limitasyon. Bagkus ay nakaalalay pa rin sila sa mga susunod na mangyayari.
Ito pong muli ang inyong abang lingkod na si 2K, na nagsasabing "ang masarap sa itlog ay kamutin hindi kalmutin". Maraming salamat po! Sa uulitin.
ADIEU! GROS BISOUS A TOUS.