This is my official entry for the #filipinopoetry for
LITERATURANG PAG-IBIG
Di man ako kasing ganda ni Maria Clara,
Di rin ikaw kasing kisig ni Ibarra,
Ngunit pag-ibig ko may parang kay Sisa,
Baliw ma'y di nakalimot sa pagsinta.
Wala na ngang pag-ibig mo na kay halina,
Hindi na ipinaglaban gaya ni Florante kay Laura,
Pag-ibig mo pala'y galing sa luha ng buwaya,
Mapaglinlang, mapagkunwari, mapanghusga.
Kaliwa, kanan, kaliwa!
Di ko ba mawari ba't ka nangaliwa,
Ano bang laban ko sa mapurol kong espada,
Sa digmaang isusuko na ang sandata.
Awitin ma'y naging bato rin,
Ang sakit and hapdi na naidiin,
Pagtaksilan may mahal pa rin,
Huni ng sa puso'y tatak sa damdamin.
Isusuko na ang bandila,
Papakawalan na't ako'y lalaya,
Bigyan ng panibagong pag-asa,
Baka sakaling puso'y maitama.
I am a part of . Join us! Follow - Upvote - Resteem - Comment
Be a member on our Facebook page -- Click this Link