Image Credits
Nag-iisa at napakabigat ang damdamin.
Ano bang nangyari sa pangako natin?
Pangako sa isa't isa na ako'y sa iyo at ika'y akin
Ay nawala nang bigla at walang anumang bilin.
Tanging larawan natin na lamang ang natitirang ala-ala
Ng ating masayang kahapon na napalitan ng luksa
Saan nga ba ako nagkulang at ika'y sa piling ko'y nawala?
At parang ang aking buong mundo ay gumuho nalang bigla.
Ako'y iniwan nang dahil sa iba, ika'y natukso.
Sinayang mo lang ang mga taon na sa pagmamahala'y puno.
Naguguluhan ang aking isip. Sinta, minahal ba ako nang totoo?
Kung hindi man, sana nuon pa'y ako ay pinalaya mo.
Nahulog na tuloy ang puso ko sayo at di ka kayang pakawalan.
At maging poot at galit man ay nasa puso ko, handa ang aking kapatawaran.
Nanalangin pa rin sa araw na babalik kang muli sa ating tahanan.
Para ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan.
Nasaan ka man ngayon, sana ikaw ay masaya.
Kung pagmamahal mo sa akin ay wala na talaga,
Mahalin ka niya sana nang higit pa sa aking kaya.
At hindi ka saktan, dahil mahal ka pa rin, sinta.