Sulong Kabataan
Sulong Kabataan, ikaw ay magsikap!
Talino'y tuklasin, isipa'y imulat,
Ugali at asal, papinuhing ganap,
Ito'y gawing gabay sa inyong pag-unlad.
Hilingin ang tulong ng poong Maykapal,
Nang ika'y mabigyan gintong kapalaran,
Sikaping matamo marangal na buhay,
Sa bayan at magulang, hiyas kang karangalan.
I-ukol ang tanaw sa maayang bukas,
Payapang paligid, maayos at maunlad,
Isang pamayanang buhay ay matatag
Sulong kabataang Pilipino, sa bayan ikaw ang bukas.