Isang araw nakita ko ang asawa ko sa may bintana, dumudungaw sa mga tanawin. Natuwa ako nung makita ko sya, nais ko syang gulatin nung mga araw na yun ngunit napaisip ako, na bka sa gulat nya ay masuntok pa nya ako, kaya ang ginawa ko niyakap ko nalng sya mula sa likuran nya at sa aking pagyakap, may naramdaman ako maraming bukol sa may tyan nya. Nagtaka ako kung anu yun, tinanong ko rin sya kung anu ung mga bukol na yun, ang sinabi lang nya ay "hindi ko alam kung anu ito kusang tumubo nalng sa aking katawan". Kaya agad akong nabahala, masyado nang hapon kaya hindi ko agad sya pinatingin sa Doctor, at pinagpabukas nalang namin iyon.
Kinaumagahan
Pag gising ko kinapa ko ulit ang tyan nya, lalo akong nangamba dahil lalo itong lumaki at mas naging kapansinpansin na ang mga iyon. Lumipas ang maraming oras, nakarating na kami ng hospital.
Sa may hospital
Halos maluha luha na ako nung pumasok ang asawa ko sa kwarto ng isang hospital kung saan ichinicheck ng doctor ang kanyang bukol. Nanginginig ako habang nagaantay sa labas ng pintuan, naririnig ko ang kabog ng aking puso. At pag labas ng Doctor sa kwarto agad ko syang sinalubong at tinanung kung anu ang sakit ng asawa ko. At kung anu ang bukol na nasa tyan ng Mr. ko
Eto ang winika sa akin ng Doctor "Mrs. Wala namn pong problema sa asawa mo, sadyang malakas at matipuno po ang inyong asawa at ang bukol sa kanyang katawan ay tinatawag na ABS. .
Pasensya na po. Pampagood vibes lang
Salamat sa pagbabasa.
😊😊😃
Special thanks to
and to all
that I didn't mentioned. Salamat sa mga motivation words nyo para mgapatuloy sa journey na ito.
MABUHAY!