Tagalog Poetry "Kabiguan"
kabiguan
Minsan kapalaran ay di nagtugma
Iyong mga nais ay di mo nakuha
Mga bagay mong gustong mapala
Sa hirap at pagod walang natamasa
Kaya't naisip nating tumigil
At gawin ang magpakasuwail
Talino't angking talento'y nakalimutan
Sapagkat nawala sa katinuan
Sa daan ng na paglaban
Ay syang nakaligtaan
Araw at gabi, ay tumitingin
Pagdaan ng oras ay lumilipas parin
Ngunit ang pangarap ay tumigil ng lihim
Ayaw na angkinin ngunit syang idinidiin
Ng puso't isip na minsang nagtanim
ng pout at galit sa kabiguang natikim
Huwag na sanang ibahin
Ika'y nasa ilalim
Ika'y nasa dilim
Tumayo ka't pangarap ay sundin
At mga nais ay abutin
src