Galing ang orihinal na imahe sa pixabay.com
Maraming salamat po sa lahat ng nakilahok sa aming pinaka-unang tagisan ng mga linyang hugot at pickup. Talaga naman naipamalas nyo ang lalim ng kasawian ... at pati na rin ang inyong pagka-kengkoy 😆 sa inyong mga linyang binitawan. Kaya naman po masigabong palakpakan 👏 para sa lahat ng sumali:
- Hugot ng pusong Malungkot - Charr!
- Nasaktan ka? Tara tawanan natin :D
- Juice ka ba? ... Boom!
- TagalogBanat pa more
- Hugot at banat mula sa kaibuturan ng puso
- Hugot ng Pusong Parinig #FlanongWaley
Salamat din sa paglagay ng kwento at konteksto sa inyong mga likhang linya. Hindi man po namin ni-require, kusa nyo pong pinaganda ang inyong mga gawa upang maging isang kumpletong post. Salamat din po sa suggestion ni bb. para sa mas ikakaganda pa ng patimpalak na ito sa susunod na edisyon.
Ako po si Junjun ng TagalogTrail, kasama ang katropang si Toto, na opisyal na iianunsyo ang Mga Masters ng Linyang Hugot at Pickup sa unang edisyon.
Ispesyal na Pagkilala
Bagama't sobra talagang nagustuhan po namin ang likha ni at
, hindi po nakaabot ang kanilang mga likha para sa deadline ng patimpalak na nagtapos kahapon. Kaya't pasensya na po at hindi mabibilang sa mga opisyal na kalahok ang inyong gawa.
Nova-dy but you talaga , kaso na-late ...
Sobrang benta sana nito kay Toto dahil mahilig yun sa chichiria
Instant panalo na po sana 'to kung umabot , bias ako kasi favorite ko leche flan haha 😆
Ikalawang Parangal sa Linyang Hugot
Mula sa "babaeng walang poreber" na si . Pasensya na at mas mahal pa rin yang lugaw mo na iyan kaysa sa papremyo namin 😅
Ikalawang Parangal sa Linyang Pickup (Dalawang Kalahok ang Napili)
At talaga namang nakakabusog ang banat at imahe na ginamit ni !
Ang Napiling Master ng Hugot
Ang pait at ang lalim; talagang nagbunga ang pagusulat sa #steemitserye at nakapaglabas ng malakasang hugot si
Ang Napiling Master ng Pickup
Ito ang pinto na magbubukas sa poreber ni - isang malupit na pickup line! 💖
Sa Kabuuan
Nagkamit po ang mga kalahok sa patimpalak ng mga gantimpala:
| Kalahok | SBD |
|---|---|
| 1.50 SBD | |
| 1.25 SBD | |
| 0.125 SBD | |
| 0.125 SBD |
Ipapamahagi po ang mga gantimpala bukas o sa susunod na araw.
Muli, marami pong salamat sa lahat ng lumahok. Bagama't wala pong sunod na edisyon ngayong darating na linggo, hindi pa po ito ang huling #tagalogbanat natin. Mas pagiibayuhin lang po muna namin ang patimpalak ng banatan at mas magbibigay lang po muna tayo ng oras (at SBD) para sa iba pang parating na aktibidad. Sa uulitin po!