Unang Bahagi
Pangalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi
Pang-apat na Bahagi
Ang nakaraan...
"Magmadali na tayong bumalik kailangan na natin pumunta ng headquarters, yan ang mensahe ni Master Beat"
Kumapit nang mahigpit si MinMin kay Rafael aka Capt BD pabalik sa kanilang headquarters. Di nila alam kung bakit minadali silang pauwiin ni Master Beat.
"Master Beat, may problema po ba? Bakit bigla niyo kaming pinabalik?" tanong ni Capt BD.
"Malaki! Tingnan mo ang kuha ng CCTV mula sa ating satelite. Iyan ang mga pinakabagong halimaw na gawa ni Dr. John D. Paul na tinawag niyang 2tripleKen Doll at Pepe Co!" sagot ni Master Beat.
"Luh, nadagdagan ang ating kalaban! At kung dati ang EXKO lang ang ating problema, ngayon may mas malakas pang kalaban ang kailangan talunin!" dagdag naman ni MinMin.
"Oo, kaya kailangan na natin ng full force upang sugpuin ang kasamaan ng sira ulong doktor na si John D. Paul." si Master Beat.
Agad na tinawag ni Master Beat ang lahat ng mga masters na sina Master JackCold at Master MT pati narin sina Capt BD, MinMin, at Rodylina. Pinag usapan nila kung paano nila tatalunin ang mga kalaban!
Pinanood nila nang sabay ang CCTV footage kung saan nakuhanan ang fusion na nangyari kay Pinunong Kron at sa halimaw na si DeShawn. At nakita rin nila kung paano nagtransform si Pepe Co sa pagiging GREEN! Ngayon alam niyo na, si Dr. John D. Paul pala talaga ang may pakana ng lahat!
Sa underground laboratory, 24 oras ang nakalipas bago nangyari ang fusion at transformation...
Galit na galit si Dr. John D. Paul nang makita ang laman ng briefcase ni Tippy! Ang akalang laman ni Valerie na mga brief ay mga injectables pala na pinaghihinalaan nilang antidote na makakapagbalik anyo sa mga EXKO sa kanilang totoong pagkatao! Lalo pa siyang nagalit nang malamang nawawala si Tippy.
Dahil dito, nakumpirma nga ng doktor na isang "spy" si Tippy at naghihintay lamang ng pagkakataon upang siya ay pabagsakin. Itinago niya ang pinaghihinalaang antidote at inutusan ang lahat ng EXKO na hanapin at patayin si Tippy!
Samantala, nagtagumpay si Tippy sa kaniyang pagtakas at dumiretso agad siya sa headquarters ng mga MASTERS upang puntahan si Capt BD. Malakas kasi talaga ang kaniyang kutob na anak niya ang matipunong binata dahil nga sa balat nito sa dibdib.
Pagkalapag niya sa headquarters gamit ang kaniyang private jetplane, tinutukan agad siya ng mga naglalakihan at nagtataasang sandata ng mga MASTERS!
"Ano ang ginagawa mo dito sa aming headquarters?" tanong ni Master MT (Malaysian Thoughts).
"Nandito ako upang kausapin si Rafael aka Capt BD dahil sa tingin ko ako ang kaniyang ama! At may dala rin akong magandang balita para sa inyo!" sagot ni Tippy.
"Ala eh, kung gay-un pumasok ka na sa aming headquarters at doon ay pag-usapan na natin ang magandang balita." wika naman ni Master JackCold.
Pagkapasok niya sa headquarters ay nakita niya ang gwapo at machong si Rafael aka Capt BD na kausap ang mga kaibigang sina MinMin at Rodylina. Binigyan ng mga MASTERS ng panahong makapag-usap ang dalawa. Sa kanilang pag-uusap nakumpirma nga ni Tippy na anak niya si Rafael. Napapanaginipan din daw kasi ni Rafael ang isang babaeng miyembro ng FAAZAXIA. Dati ay naguguluhan pa siya kung bakit, pero ngayon ay nasagot na! Siya pala ay ang kaniyang ina! Nagyakapan at nag-iyakan ang mag-ama sa kasabikan sa isa't isa!
Matapos ang makabagbag-damdaming eksena ay pinulong ni Tippy ang mga MASTERS at si Capt BD. Sinabi niyang hindi na sila dapat mag-alala dahil nakagawa na siya ng antidote upang mag-anyong tao muli ang mga EXKO! Kaya ngayon ang kalaban nalang na sina 2tripleKen Doll at Pepe Co ang kanilang problema!
Sa underground laboratory ulit...
Nataranta si Valerie sa kaniyang nalaman na si Dr. John D. Paul ay pumunta na pala ng Tagum upang doon maghasik ng lahi, este lagim. Ang usapan kasi nila ang mga chiks, este mga tao muna sa Metro Manila ang una nitong titirahin. Pero dahil paborito ng doktor ang Siopao Asado, nabighani talaga siya sa bilugang babaeng mukhang siopao!
Kaya lumipad si Valerie kasama ang mga EXKO, at ang kanilang pambatong sina 2tripleKen Doll at Pepe Co sa Tagum kasama pa ang kanilang resbak na sina Master Lee Bug at Chodora SoAlone upang doon maghasik ng lahi, este lagim!
Sa Tagum City...
Nagsitakbuhan ang mga tao sa nasabing siyudad sa paglapag ng isang spaceship na hugis paa ng camel! Mula sa FOLLOWPIAN tube ay nagsilabasan ang dalawang halimaw at ang iba pang mga mukha ring halimaw. hahaha
Si Master Lee Bug at ang mga EXKO ay nagsilabasan ng kanilang nagtitigasan at naghuhumindig na mga sandata, habang si 2tripleKen Doll at Pepe Co ay itinutok ang kanilang balls sa mga tao at nagpasabog ng malalapot na fireballs!
Sina Valerie naman at Chodora SoAlone ay smoking weeds at drinking hard lang sa loob ng spaceship at si Dr. John D. Paul ay patuloy parin ang panunuyo sa babaeng mukhang siopao!
Sa Master's Guild HQ
"Nagsimula na ang pananakop ng mga Tokamel sa Earthia! Hindi sila maaaring magtagumpay! Kailangan nating iligtas ang mga tao sa Tagum!" galit na wika ni Master Beat!
Sumang-ayon naman ang mga masters pati narin sina Capt BD. At agad-agad silang bumuo ng isang matinding plano upang talunin ang KASAMAAN ng mga kalaban!
Nagsanib pwersa ang mga MASTERS na sina Master Beat, Master MT, Master JackCold, Capt BD at ang ama nitong si Tippy, pati ang mga ka tropa niyang sina MinMin at Rodylina. Siyempre di rin magpapahuli sina James Anity, at Jemzem, sumama narin sa misyon na tinawag nilang "Project Durugin ang Kalaban!"
Dahil mga doktor at siyentipiko rin naman ang mga masters pati narin si Tippy, gumawa sila ng napakatinding serum kung saan mabibigyan sila ng lakas na katulad kay Thor, bilis katulad ni The Flash, talino katulad ni Iron Man, at matinding charm na katulad ni Captain America! At tinawag nila ang kanilang grupo na "Guardians of Earthia!"
Wala na silang sinayang pang oras at sumakay na sila sa kanilang malupitang spaceship na may hugis na ganito, tingnan niyo nalang mahirap ilarawan! Basta malupit!
Napatigil sa pagbuga ng fireballs sina 2tripleKen Doll at Pepe Co nang makita ang kakaibang spaceship na nagmula sa kalangitan! Inabangan nila kung sinu-sino ang mga lalabas! At bumungad sa kanila ang ang mga magaganda at sexy at mga gwapo at machong miyembro ng ikalawang pangkat, este Guardians of Earthia!
Nahuling lumabas ang pinakamalupit na lider ng grupo na si Master Beat aka DeShawn suot ang kaniyang malupitang costume na kulay red, sabay sabi....
"IF YOU WANT WAR, WE WILL GIVE YOU WAR!!! UMPISAHAN NA ANG DIGMAAN!!!"
Itutuloy....
ikaw na ang bahalang dumurog sa kalaban! hahaha
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
- Rescue
- Transformation
- Slavery
Tema ng ika- Anim na Serye
- Sci-Fi
Mga Karakter
- Hero: Guardians of Earthia
- Villian: 2tripleKen Doll, Pepe Co, EXKO, etc
Balik Biyaya
Mula sa pangunguna ni ng TagalogTrail, naisipan naming gumawa ng proyekto na kung saan ibabahagi namin ang mga natatanggap naming biyaya sa mga nangangailangan. Napagdesisyunan ng tropa na gamitin ang malilikom na halaga para sa "Pag-aralin kita benefit program" na kung saan isang mapalad na estudyanteng may kapansanan ang tutulungan naming matustusan ang kanyang pangangailangan sa eskwelahan, bukod pa sa tuition fee nito at ibang gastusin. Ang makukuhang payout mula sa TagalogSerye ay buo naming ibibigay sa estudyanteng aming napili. Maaari ka ding magbahagi ng tulong sa pamamagitan ng pag-upvote at resteem sa mga kwento ng TagalogSerye o kaya naman ay direktang magdonate ng SBD sa account ni
.
Anumang halaga, maliit man o malaki ay malayo ang mararating. Always be a blessing to others. (credits to )