Sa wakas at nakauwi na rin ako ng bahay at magagawa ko na rin ang aking gusto. Nung nasa ospital ako ay hindi ako makakilos ng maayos at dun ako palaging naiirita dahil nakahiga lang ako maghapon, magdamag.
Pero, sobrang daming bawal na kainin at hindi ko talaga magagawang makain ang pinagbawal sa akin ng aking doktor. Pero para sa akin ay ok lang iyon dahil narin sa aking magiging anak. Sobrang saya ng aking asawa nung nalaman nya na makakalabas na ako ng ospital.
Sana ay maging ok ako palagi dahil sobrang nagaalala kami sa aming magiging anak. Sana ay maging masigla sya at makita ang kagandahan ng mundo.