Sa araw araw na dumadaan natutunaw ang puso ko kapag nakikita ko na lumuluha ka? Hindi ko alam kung ano ang mabigat na dahilan .
Bakit kaya ? ang laging tanong ko sa sarili ko.Hindi kaya nag away na naman sila ng boyfriend nya? Yan ang madalas na sumasagi sa isipan ko.Dahil sa mga kwento ng ibang tao.Pero ang totoo ano kaya ang problema mo? Gusto kitang lapitan at tanungin subalit hindi ko magawa,natatakot ako na maramdaman mo na lihim akong nagmamahal sayo .Hindi ko na hinayaan na buksan mo pa ang puso mo sa akin kaya ano man ang nangyayari sayo pinipigilan ko ang sarili ko na tanungin ka at ipadama sayo na nandito lang ako para dumamay sayo.
Hindi man bilang tayo na maging bf mo, kundi kahit kaibigan .
nandito ako .
Kung pwede lang sanang angkinin ang puso mo.Ginawa ko na sana....
Kaya lang sa ngayon, Dalawang bagay lang ang kaya kong gawin....
Ang lihim kang MAHALIN at HINTAYIN
Ang panahon na pwede ka nang maging akin.
Thanks for dropping by!!!
#steemph, #steemitfamilyph, #gratefulvibes, #steemitpowerupph, #steemph-bulacan