Ang pakikipag usap ay mahalaga sa atin, dahil hindi tayo magkakaroon ng mga kaibigan kung hindi tayo marunong makipag usap. Hindi rin tayo makahanap ng magandang hanapbuhay kapag hindi tayo marunong makipag usap sa kapwa natin.
Ang pakikipag usap ay napakahalaga dito sa mundo dahil ito ang paraan para makamtam natin ang matiwasay na hanapbuhay, at ito rin ang paraan papaanu tayo makipag ayos sa ating kapwa kung may mga alitang nagawa. Kaya itoy pinakamahalaga saan mang aspeto tingnan,ang pakikipag usap ang pangunahing dahilan kung bakit natin makamtam ang buhay na magaan.
Alam nating lahat na kung hindi tayo makikipag usap wala tayong malalapitan,wala tayong mga kaibigan na handang tutulong anu man kagipitan ang dumating sa ating buhay, hindi tayo makahingi ng kahit na anu sa ating kapwa tao dahil hindi tayo marunong makipag usap sa kanila,at kung mayron mang dumating mga suliranin sa ating buhay paanu gagaan ang ating kalooban kung hindi natin kayang ihinga sa iba dahil nga hindi tayo marunong makipag usap sa kapwa natin, kaya ang dapat nating gagawin at ugaliing makipag usap sa ibang tao, para mga kaibigan ay dadami,hindi naman masama ang makipag usap sa iba kung ang pag uusapan ay tungo sa mga bagay bagay dito sa mundo,kaya ugaliing lagi na makipag usap sa ating kapwa,upang ang ating buhay ay gagaan, kahit anu mang mga pagsubok sa buhay.
Kahit anu mang suliranin na mabigat ang darating sa ating buhay,may mga kaibigan tayo na handang dadamay,may kapwa tayo na handang umalalay dahil marunong tayong makipag usap sa kanila,marunong tayong makitungo sa kanila,kaya kahit anu mang disisyon sa buhay ugaliing sasangguni tayo palagi sa may kapal upang binigyan niya tayo ng mga taong handang dumamay at handang umunawa sa lahat ng sandali ng ating buhay, kaya makipag usap tayo lagi sa ating kapwa dahil kahit na malayo tayo sa ating mga Mahal sa buhay may kapwa naman tayo na maaasahan sa oras na kailangan, may mga kaibigan tayo na handang tutulong sa oras ng kagipitan.