imgsource
Pagpupugay sa mga Guro
Ngaun patapos na ang buwan ng Septyembre ay patuloy paring ipinagdiriwang ang buwan ng mga guro o “TEACHER’S MONTH” gusto ko sumulat ng isang maikling artikulo para sa mga guro bilang isang dating estudyante.
Bawat estudyante ngaun ay nagbibigay ng pagpupugay sa kani-kanilang guro bilang pasasalamat. Nakikiisa ako sa pagpupugay na isinasagawa ngayon buwan na ito.
Ang mga guro ay tinuturing natin pangalawang ina.
Sila ang dahilan kung bakit tayo natuto magbasa at sumulat. Hindi lang guro ang turing natin sa kanila minsan pa’y nakakasama pa sa kwentuhan at katuwaan. Minsan rin nalalapitan natin kapag may problema tayo sa bahay at paaralan. Kaibigan, kapatid at barkada kung ituring natin sila.
Ang lahat ng mga paghihirap at pagsusumikap nila sa araw araw na pagtuturo ay hindi matutumbasan ng anu pa man yaman sa mundo . Halos wala na silang pahinga pagdating sa bahay ay gumagawa pa sila ng kanilang lesson plan. Pagtitiis at pagsasakripisyo nila sa pagiging makulit, pasaway at maingay ng kanilang mga estudyante. Nagagawa pa rin nila ang kanilang obligasyon maipaabot sa mga bata ang kanilang dapat matutunan.Makita lang nila na natututo sa bawat turo nila ang estudyante ay masaya na sila. Kung anuman ang mga narating natin ngayon at naabot natin sa buhay utang na loob natin sa kanila. Kung wala sia ay mahihirapan tayong marating ang ating mga pangarap sa buhay.
Sa aking mga guro ng elementarya, sekundarya at koleheyo ay taos puso akong nagpapasalamat sa mga naituro niyo sa akin na hanggang ngayon ay nagagamit ko parin sa pang araw araw kong pamumuhay..
At sa mga guro ng mga anak ko maraming marami salamat sa gabay at pagtuturo nyo..
Maraming Salamat sa inyong pagbabasa...