Sa bawat pagpatak ng aking luha
Ikaw ang aking nahihinuha
Anumang naramdamang galit
Pag-ibig ko sayo'y di pa rin mawaglit
Sino naman ako para magtampo?
Kung iba naman ang laman ng 'yong puso
Luha kong pumatak
Sa iyong puso ba'y tumatak?
Ano ba ang nagawa ko
Bakit ako ay ginanito?
Pag-ibig na nasayang
Hindi mo man lang naramdaman
Ano ba ang dapat gawin?
Upang ikaw ay limutin
Luha kong tumulo
Tumagos man lang ba sa iyong puso?