"Ang wastong pagtulong ay hindi ang pagkunsinti sa iyong kapwa na maging tamad",sermon ng pari sa huling misa ng Linggo.
"Mabuti po ang paglilimos ngunit ilagay natin sa tamang paraan dahil kinukunsinti natin ang ating mga kababayaang manatili sa kalsada", sabat ng katabi ko sa upuan.
Nang matapos ang misa may lumapit sa aking bata at nag-aalok ng sampaguita. Tinitigan ko siya. Naisip ko lang dapat ang batang ito ay nasa bahay. Kung bibilhan ko sya lagi lang siyang magbebenta.Sa halip na mag-aral ay magbebenta na lang sa kalsada. Nilagpasan ko siya at umuwi....
Kinagabihan kahit anong tuwad at baluktot ko sa kama ay hindi ako makatulog. Yung maamong mukha ng batang iyon hindi maalis sa isip ko.
"Kyah! bili ka na sampung piso lang. Pang-alay mo ".Paulit-ulit kong naririnig...
Umupo ako sa gilid ng kama. Tumingin sa krus na nakasabit sa dingding at napabigkas,
"Tama kaya yung ginawa ko ".
Pinagkaitan ko yung bata ng 10piso gayong ang kinikita ko kada buwan ay higit pa sa 10libo.