Dahil pinatunayan mo na ang pagmamahal ay hindi sinasabi
Na ang pag-ibig mo ay galing sa puso at hindi sa labi
Kaunti man ang mga salita
Paminsan lang sabihin ang mga kataga
Dahil kapag galing sa puso, ito ay kusa
Dahil kapag galing sa puso, sa paggawa makikita
Marami man tayong kapintasan
At marami mang di nakakaunawa
Sa ating mga pagkakadapa
Hindi sumuko, hindi nang-iwan
Patuloy mong pinaglalaban
Ang pangako nating pagmamahalan
Kaya pagsang-ayon ng iba'y, di ko kailangan
Salamat sa Dios sa pagmamahal mo
Sa akin at sa pamilya ko
Ating gunitain ang araw na ito
Kung kailan dinala ka Niya sa mundo
Sapagkat ikaw ang nag-iisang prinsipe sa aking palasyo
Camera Used:
iPhone 7