Pagmasdan ang paligid
sa tuwing ang isip ay gulong gulo
at ang puso ay manhid.
Sa tuwing gusto mong mapagisa
na tila ay inaantay na dumating
ang bagong umaga.
Kaibigan, huwag kang mag-alala!
may darating na pag-asa
kailangan lang manalangin at magtiwala ky bathala.
Kailangan mo ring mamumalat sa katotohanan
na ang buhay natin sa mundong ibabaw
ay marahas at minsan pa ay parang nasa hukay
at hindi parang isang nanay na laging hawak ang iyong kamay
at laging naka-alalay.
Kung ikaw ay nag-alinlangan sa iyong kakayahan?
tingnan mo ang ibang tao dyan na may kapansanan
bakit nila nahihigitan minsan ang mga taong kumpleto
at malusog ang pangangatawan.
Kaya aking Amigo!
huwag mong pakinggan ang mababaw
at makitid na dahilan ng iba dyan.
Hindi mo kailangan ng mga tao
na nagbibigay payo pero kapamahakan naman
ang patutunguhan.
Magtiwala ka sa sarili
at ito'y ipakita at huwag mo na lang ipagkalat at ipagsabi
sa mga taong pormahan lang ang kanilang pwedeng maipagmalaki.
Pero sa patibayan ng loob? huh!
alam mo sa iyong sarili
na ikaw ang palaging magwawagi sa bandang huli.