higit pa sa tunay na kapatid ang turingan.
Di sumagip sa isip ang salitang iwanan
bagkos pinagtibay pa ng panahon
at binigyang pagkakataong tumibay pa lalo ang pundasyon.
Sa inuman nilalabas ang problema ng bawat isa,
dito mo masusukat at malalaman
kung kaibigan mo ba silang talaga.
May magpapayo na parang AMA
May magdedebate parang Pulitiko na nasa Kamara.
May magagalit na parang boyfriend nang EX mong
pangit naman ang mukha.
Kwentuhang minsan may saysay kadalsan wala
pero iba ang pakiramdam pagkasama mo sila.
Problema'y nasosolusyonan at bigla na lang tatawanan
iwan ko ba talaga!
bakit sa inuman naglalabasan ang talento
at matalinghagang kaisipan.
Salamat sa pagbisita mga kaibigan
dito sa aking mumunting tahanan
naway maisipan nyo pa akong balikan
nang maipagpatuloy pa natin ang naudlot na usapan.