Inspirasyon ka ngayon, ng aking bagong buhay
Nagkaroon ng pag-asa at hindi na ako matamlay.
Nanghihina na puso, saya na ang nararamdaman
Sana'y di na bumalik pa, ang dating kalungkutan.
Sa umaga pag gising ko, mga gawain ay nahihintay
Kay gaan na natatapos, lahat ng bagay ay makulay.
Ikaw ang dahilan, kaya hindi ko dama ano mang pagal
Pagkat nandito ka, nag alay sa akin ng pagmamahal.
Dasal ko sa Maykapal, makasama ka sa habangbuhay
Ang pagsinta mo lamang tangi kong magiging gabay.
Sa lahat ng unos na maaaring dumating sa ating dalawa
Magkasama nating lampasan, at isat-isa ay hindi magsawa.
Inspirayon ka, at mamahalin kita ngayon at magpakaylanman
Sana ay ganoon ka rin, maging tapat sa ating pagsusuyuan.
Hanggang sa huli, ikaw sana ang nais kong makapiling
Katuparan ng mga pangarap, ito ang tangi kong hinihiling.
Hope you'll like this
Please...
Follow!
Comment!
Resteem!
Upvote!