Maganda umaga sa lahat!
Akoy nangingibang bansa
Anim na taon malayo sa mga anak
At oras koy nkagapos sa aking alaga
Katotohanan na d mawawala
Sa tulad kong isang mahirap
Akala ko ito ang sagot ng lahat
Tinifiis lamang ang ganitong katayuan
Kahit kailan man ay walang pagsisihan
Masakit man ay kayang tanggapin
Buhay sa tulad kong alipin
Habang tumatagal,alaga koy napamahal
Siya ay may kapansanan
Maliit pa noong akoy dumating
Ngayon kapansin pansin,mahal ako ng alaga
Paano ko siya iiwanan ng bigla?
Ito ang masakit na katotohanan
Sa inang nagungulila sa mga anak
Binuhos lahat sa alaga habang nasa malayo
At tuwing bakasyon,d ako mapalagay
Ang isip sa alaga naman sumasablay
Kathang isip ni