Ang pag-ibig ay parang matematika
Numero ang sumisimbolo sa bawat okasyong mahalaga,
Bilang ng mga araw na tayo'y magkasama
At sa bawat problema may solusyon tayong dalawa.
Ngunit maihahalintulad sa matematika
In-ADD kita sa buhay ko upang maging tayong dalawa,
Ngunit MI-nay-NUS mo lang ako matapos mong sumaya sa iba,
MULTIPLY ang sakit na aking nadama,
DIVISION ang iyong ginawa sa aking pusong lumuluha,
Dumating pa at naging triangulo,
May dumating na isang tao upang manggulo
Naging SCALENE , ako ang nauna
Ngunit bakit ganun mas lamang siya!
Nariyan pa at naging ISOSCELES
Pantay kayo ng binibigay sa isa`t isa
Kaya naman sa akin ay walang natira,
Babe naman bakit mo ba ako pinagpalit sa kanya?
Kulang ba ang binibigay na pagmamahal sayo?
Hindi ko alam kung anong FORMULA para mairesolba ito
Nalilito ako kung anong sign ang gagamitin ko,
Kung POSITIVE ba na kumapit pa,
O NEGATIVE na bumitaw na.
Gagamit ako ng ruler upang aking maideretso,
Ngunit bakit ganun lalong gumugulo,
Gumugulo`t nagiging baku-bako
Na kung lalakaran ay masasaktan lang lalo
Oo nga pala ako lang ang masasaktan,
Kasi ako lang naman ang natirang lumalaban
Ngunit alam nating sa matematika palaging may solusyon
Mga formulang napakahirap ngunit nagpapadali ng desisyon
Pananatili at paglisan,
Iyan lang ang iyong pagpipilian
Ngunit paglisan ang iyong pinili, dahilan kung bakit ako nasaktan ng lubusan
Matematika`y sadyang napakaloko paminsan minsan
Pinaniwala tayong may INFINITE
Ngunit bakit ganun nariyan pa din naman si LIMIT
When X approaches, ako'y ZERO
Bagay na aking pinagtatampo
Kasi bakit pa tayo pinagtatagpo?
Kung hindi din naman pala tayo hanggang dulo!
Sana magkaroon tayo ng ANGLE OF ELEVATION
Ng sa gayo'y maielevate at maisalba ko ang ating relasyon,
Ngunit bakit nagkaroon ako ng ANGLE OF DEPRESSION
Oo tama ka sa iyong narinig, nagkaroon ako ng depression
Nadepress ako simula nung nasira ang ating relasyon
I would like to thank for being my mentor and giving me support as always
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.