Bawat araw na tayo'y magkasama,
araw araw mong ipinapadama sa akin na ako ay mahalaga.
Sa bawat palitan ng ating mensahe sa isat' isa ipinapadama mong para sa akin lang iyon.
Sa bawat ngiti mo at sa mga malalagkit mong tingin ay lalong akong nahuhumaling.
Isang araw, masayang masaya ka dahil sabi mo ikaw'y magtatapat ng iyong pagmamahal
Pagmamahal na hindi naman pala para sa akin.
Nilabanan ko ang sakit na iyon at pilit ipinakita sa aking mga mata na ako ay masaya para sa'yo.
Ngunit puso ko ay nagdurusa, labis na nasaktan.
Sa bawat paghawak mo noon sa aking mga kamay, pakiramdam ko ligtas ako.
Sa bawat kwento mo sa isang tungkol sa taong minamahal mo iniisip ko na ako.
Sa bawat bigay mo ng mga bulaklak at tsokolate pakiramdam ko ako na ang ma swerte na tao sa mundo.
Ngunit ang lahat ng ito ay PA-ASA. Pinaasa at umaasa.
Hindi ko alam ang aking gagawin, labis akong nasasaktan.
Ang nooy kamay ko hawak mo, ngayon ay hawak na ng iba.
Paano ko pa kaya maipapadama ang pagmamahal ko kung may tao nang nagpapadama sa iyo?
Paano pa kaya kita mapapaligaya kung may tao nagpapasaya na sa iyo?
Paano nalang ang puso kong umaasa na iyong iibigin?
image from pixabay
Maraming Salamat sa Pag-basa!