Magandang umaga sa lahat!
Bakit kaya ang buhay ng tao
Ibat ibang kasaysayan ng buhay
Pagsisikap inaalalay,minsan may luksa
Minsan naman may tagumpay
Akoy nagmamahal ng tunay
Binigay ko lahat aking buhay
Ngunit hindi ito nagtatagumpay
Pagmamahal koy nawawalay
Umiiyak ako,puso ko'y nagdurugo
Ngunit tinitiis ko ang hapdi
Kahit gaano man kasakit
Mata koy aking pinipikit
Ito ako ngayon nag iisa
Pasulong nilalabanan mga problema
Kung gaano kalupit aking tadhana
Handa na ako lahat para sa kanila
Maraming salamat!