Isang mapag palang gabi sa ating lahat. Unang pagkakataon na magsulat ako sa aking kinagisnang wika, di ko alam kung maayos ba sya o hindi pero sa tingin ko naman.
Ayun! Nais ko lang magbahagi ng aking tula ngayong gabi. Na inspire ako magsulat nito dahil sa pangyayari kahapon sa steemit charity event. Na realize ko na kailangan may mai contribute din naman ako maliban sa anime :)
So ito na po ang aking munting likha, at may youtube video recording din para sa mga nais marinig ang medyo di ko kagandahang boses :)
Susubukan kahit alam ko hindi ko kaya
Kahit sa tingin ko ako ay mapapahiya
Pero malay mo, mali ang aking hinala
Na kaya ko pala, kaya ko ring tumula
Mula noong bata, ako'y di naimik
Sakit at takot dama lagi ng dibdib
Nais ko ring magbahagi ng aking kwento
Subalit kaba'y umiiral pagdating sa entablado
Talentong nais, akin nang nilimot
Alaala nang nakaraan, isa na lamang bangungot.
Ngunit napagtanto, dapat itong labanan
Dahil, walang idudulot kungdi kabiguan
Susubukan kahit alam ko hindi ko kaya
Di para sa inyo, ngunit sa aking kaliligaya
Ihahayag ang aking saloobin
Kung iyong dinggin salamat nalang din.
Maraming salamat sa iyong oras at panahon sa pagbasa at pakikinig :)