Hindi lingid sa ating kaalaman na marami sa ating kapwa ang magpakaplastic para lang matatawag at masasabihan na sila ay ay mabuting tao, pero lingid sa ating kaalaman na masahol pa sa hayop ang pag uugali nila,marunong lang talaga silang magkunwari para mapuri ng ibang tao na sila mabait, para sa akin kung anu ang ugali mo yon na ang ipakita mo dahil Hindi mahalaga na masabihan tayo na mabait ang mahalaga ay kung anu ang paguugali natin dahil kahit na gaanu natin itago ang tunay na kulay natin lalabas at lalabas din ang tunay na ugali natin,
Kaya mas mabuting huwag tayong magkunwari sa kapwa natin,may malaking chance tayo na baguhin ang ating pag uugali kahit anu man kasama ang ugali natin , may pagkakataon na mabago natin,kaysa magkukunwari na ikaw ay mabuting tao,walang magandang maidudulot ng mapagkunwaring tao,ang katotohanan ay ang mapagkunwaring tao ay laging napapahamak,kaya kung anu mang ugali mayron tayo , napakasama man o anu,kailangan magpakatotoo tayo,dahil anu man kasama ang pag uugali natin ay may panahon para tayo ay magbago, kaysa taong mapagkunwari ay walang pagkakataon na magbago dahil pipilitin niya lagi na siya ay mabuting tao,kahit na alam na ng iba na masama ang ugali niya, sa totoo lang walang maidudulot na mabuti kung tayo ay magkukunwari,lagi tayong malagay sa alanganin dahil sa magkukunwari natin,kaya kung anu mang kaugalian mayron tayo walang masama na magpakatotoo tayo,dahil alam naman nating lahat walang perpekto dito sa mundo,
Walang malinis dito sa mundo,lahat tayo dito sa mundo ay makasalanan kaya gaanu man kahirap magbago ito ay ating pipilitin para sa ikabubuti ng ating buhay, lahat ng masamang pag uugali ay mababago sa anu mang sandali,pero ang isang taong mapagkunwari ay Hindi na mababago, malaking kasalanan sa mata ng diyos ang kung anu mang ugali mayron tayo pero mas pinakamalaking kasalanan kung tayo mapagkunwari, malaking kasalanan sa mata ng diyos ang mapagkunwaring tao ,kaya habang maaga pa,at tayo nabubuhay pa pipilitin nating mag bagong buhay, upang makapamuhay tayo ng walang pag alinlangan, mabuhay tayo na walang takot dahil sa tayo ay totoo na pagkatao kung anu mayron tayo ito ang ipinakita natin sa ating kapwa,may panahon pa upang ituwid ang mga kasalanan nating nagawa, dahil ang ating panginuong diyos ay handang magpatawad sa ating mga kasalanan, mabigat man o magaan ang mahalaga ay taos puso tayong hihingi ng tawad at magbabalik loob sa kanya,dahil tayo ay mahal ng ating maykapal,kaya dapat lang na magbagong buhay tayo habang tayo ay nabubuhay pa dito sa mundong ibabaw, habang may buhay ay may pag asa.