Kay sarap balikan ang mga panahon na kapag nadapa ka, babangon ka kaagad. Kapag nasugat ka, iiyak ka pero kapag binigyan ka na ng candy, matutuwa ka na. Pero ngayon? Naiba lahat. Lahat ng inakala kong madali, mahirap pala. Gaya na lang sa sugat na akala kong paglipas ng ilang araw , maghihilom na. Yung inakala kong pag binigyan ka ng candy, okay na lahat. Nang dahil sa pagibig lahat ay nagbago, eto ako ngayon. Nalulunod sa mga pasakit na iniwan mo mula nang mawala ka. Paulit ulit na nadadapa sa takbo ng aking buhay mula nung ikaw ay lumisan. Yung inakala kong candy na makakapagpasaya sakin, ay kailanman hindi na magiging akin.
Lulan ka ng ala ala at panaginip ng mga sandaling mga kaluluwa nati’y pinagtagpo. Yung inakala kong hanggang sa dulo ay bigla na lang winasakan ng ilang minuto. Isa kang proweba na kailanman ang pagibig ay parang isang sugal, walang kasiguraduhan. Binigay sayo lahat ang oras at pagmamahal. Pinuno ka ng aking pagibig ng puso mong hindi marunong magmahal ng sapat at tapat. Sinuob ang pagasa na nawa’y tumagal dahil ninais ay manatili. Subalit paulit ulit mo akong binigyan ng mga dahilan na kailangan ko ng tumigil. Ginising mo ako sa katotohanan na ikaw at ako kailanman hindi magiging tayo hanggang sa dulo. Ilang gabi ang nagdaan, nagtatanong kung saan nga ba ako sayo nagkulang. Tila pati aking sarili ay paulit ulit na aking sinisisi na hindi ko alam ang dahilan. Malilimutan pa ba kaya kita?
Paano ngyari na may mahal ka ng iba? Hindi ko lubos maisip na ang pagibig na panghabang buhay ay isang pangpalipas oras lang pala. Nang dahil sa pagibig , eto ako ngayon. Isang tangang lalaki na paulit ulit ka pa ring hinahanap sa kabila ng ngyari. Hindi ko din alam kung bakit. Tawanan man ako ngayon ng buong mundo, subalit ang puso ko ikaw pa rin ang sinisigaw, hinahanap. Sa aking pangungulila, pati sa aking panaginip ikaw ay nananatili. Tanging yun na lamang ang pagkakataon na ako’y sumasaya sapagkat kapiling kita. Ngunit andyan lagi ang umaga at sikat ng araw sa aking mukha upang ako’y gisingin sa katotohanan. Aaminin ko, ang panandaliang makasama ka kahit sa panaginip man lang ay walang tumbas ang tuwa’t kasiyahan na dulot nito sakin. Isang katangahan na naghahatid ng pandaliang kasiyahan.
Sa ngayon, akin ng papalayain ang aking pusong nakaposas sa nakaraan. Akin ng iiwanan ang rehas na minsa’y naging aking kanlungan sa pagkabihag ng puso kong walang kasalanan. Isa ka na lamang ala-ala na di na nais mawari. Salamat sa pagdating at paalam sa di pananatili.
Salamat po sa pagbabasa. Heto po ang aking entry sa #uloghugot na pinangungunahan ni Ma’am
na may temang “Nang dahil sa pagibig”.