Kumusta na kayo mga #uloggers #ulographers #jolongers:):) Tayo na at mamili sa #ulogUkayUkay in Ukay! Tayong mga filipino ay mahilig sa mga mura o kaya naman ay sa may diskwento. Sino ba naman ang hindi bibili kung mura at lalo na kung maganda ang kalidad. Iba iba din naman ang mga istilo natin sa buhay. Ang iba naman ay metikuloso sa kagamitan ang iba ay hindi talaga bumibili ng mga mumurahin lao na ang sa segunda mano.
Alay kainaman, sa ibang bansa ay usong uso yan kahit ang mga may pera sa segunda mano namimili. Noong una ako ay nagulat din dahil kahit kaya nilang bumili ng mga mamahalin, may tatak, sa Ukay Ukay segunda mano ang kanilang puntahan.
Isa na ako dyan, lalo na ang mga librong pang bata, jacket, baso, bisikleta, mga kable, puzzles, laruan, sa Ukay Ukay ka lang pumunta at siguradong makakatipid ka. Ang Ukay Ukay sa pagkaka alam ko ay nag galing sa salitang "hukay" o "hinuhukay", nag hahalukay. Kapag ikaw ay namimili, nag hahalukay ka, hanggang sa ilalim ng kahon. Ganon din sa Ukay ukay ay hinahalughog mo baka sakaling swertehin ka na may makita kang mas maganda. Masayang mamili sa Ukay Ukay dahil nakakalibang. Sa Ukay Ukay hindi lang segunda mano ang pinagbibili nila mayroon din mga bago na hindi pa nagagamit.
Hindi lang mga kagamitan sa bahay ang maari mong bilhin, mga musikang intrumento din at ipa ba. Minsan nga may nababasa ako sa dyaryo na mga natigong mga kagamitan na napalamahal pala ang presyo dahil sa kalumaan at may halaga pala ito, o kaya naman ay mga naka siksik na mga mahahalagang bagay. Malay mo biglang yaman:)
Kanya-kanya din naman ng panglasa yan kung hindi ka bumibila ng ukayukay na kagamitan. Sa ibang bansa, ay normal na normal dito ang bumili ng mga segunda mano. At kapag hindi na nila iyon ginagamit kagaya ng laruan o libro ay kanilang ibinabaliksa tindahan para mapakinabangan ng iba. Madami din kaming nadalang mga kagamitan sa Ukay Ukay noon, kagaya ng lamesa, silya, bisikletang pang bata mga laruan at kung ano ano pa.
O, ano pang hinihintay nyo, bili na sa UkayUkay ko lols. Ang ganda di ba? Ikaw namimili ka din ba sa Ukay ukay? Saan magandang mamili ng Ukay ukay?
Please continue to support
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses
Yours truly,
The village girl in the Steemian Forest
This post was made from https://ulogs.org