Magandang araw sa inyong lahat. Ako po si Anidel aka ankarlie ang inyong lingkod na siyang magtuturo kung paano mag "withdraw" ng kita mula sa steemit patungong "Coin.ph." Sa Gabay na ito tatlong paraan ang aking tatalakayin: "Blocktrades service method." "Centralized Exchange method" at "Ankarlie service method."
Bago natin umpisahan ang mga ibat-ibang pamamaraan ng "withdrawal" ng SBD/STEEM ipapakita ko muna kung paano mag "transfer" ng ating SBD/STEEM sa "external exchanges," ibang "steemian" at mga "steem services" tulad ng blocktrades.
Pag-"SEND" ng SBD at STEEM sa ibang Steemian (users)
Sa Pag-"transfer" ng SBD o STEEM sa ibang steemian sundan lamang ang mga "screenshot" sa baba:
Pumunta lamang sa webpage na ito. Palitan lamang ang sa username ng account niyo. Sundan ang mga nakasaad sa itaas na "screenshot." Sa pagkakataon na na-"click" ninyo na ang "transfer link" ito ang susunod na inyong makikita.
Sa pahinang ito makikita ang "transfer window" kung saan ilalagay ang detalye kung kanino papadala "username" na tatanggap na "steemian," halaga ng ipapadalang SBD at kung anong mensahe ang gusto nating ipahatid. Hindi naman kailangan lagyan ng mensahe sa "MEMO" ngunit mabutihing lagyan ito upang matandaan kung anung klase o para saan ang "transaction." Matapos ilagay ang lahat ng detalye at na "click na ang "submit button" kaagad ipapadala ng steemit internal wallet ang SBD sa nasabing "receiver"
Pag-"SEND" ng SBD at STEEM sa Blocktrades patungong Coins.ph
Halos parehas lamang ang sistema ng pagpapadala ng SBD o STEEM sa Blocktrades. Meron lamang isang napakahalagang elemento na kailangan natin bigyan ng "attention." Sa pagpapada sa "blocktrades" kailangan nating kunin ang "code" para sa "MEMO" na siyang nagsasaad kung anong klaseng transaction ang nais nating makamit. Bilang isang halimbawa ipapakita natin kung paano maglipat ng SBD o STEEM sa Blocktrades. Kung wala kayong "account" sa "blocktrades" marapating mag rehistro sa kanilang site. Ang paraan na ito ang isa sa pinaka madali at pinakababilis na paraan ngunit isa sa pinakamahal.
Ang una nating kailangan gawin ay i-"setup" ang kung ano ang gusto nating gawin. Sa pagkakataon ito ang gusto nating gawin ay ang pagpapadala ng SBD natin patungong Coins.ph. Sundan lamang ang mga "Screenshots" at nakasaad ang mga "instruction" kung paano gawin ito.
Sa pamamagitan ng paraan na ito ang SBD niyo ay diretsong mapunpunta sa inyo wallet sa coins.ph.
Pag-"SEND" ng SBD at STEEM sa Bittrex patungong Coins.ph
Upang "withdraw" sa pamamagitan ng Bittrex exchange kailangan nating malaman ang "deposit address" o ang "address" ng "internal wallet" natin sa Bittrex exchange.
Matapos nating mag i-send ang SBD natin sa internal wallet ng Bittrex kailangan lang natin itong i-trade upang maging Bitcoin na pwede na nating ipadala sa coins.ph. Pumunta lamang sa site na ito para sa mercado ng Bitcoin at SBD.
Matapos mabenta ng mga SBD sa mercado pumunta lamang sa site na ito upang ma-"withdraw"
Pag-"SEND" ng SBD at STEEM sa Coins.ph sa Pamamaraang "Ankarlie Method"
Ang pinahuli ay ang pamamaraang Ankarlie method. Simple lang po. dito padala niyo lang sa ankarlie lang SBD ninyo ilagay lamang ang coins.ph address sa MEMO o kung cebuana complete name, address at contact number. Hintayin lang within the day ang remittance. Ito Po ay libre kung meron mang kaltas ay dahil sa mga exchange fees, withdrawal fees at exchange rates ng SBD patungong Bitcoin at patungong PESO. Pinagsasabay natin ang mga withdrawals para mahati hati natin ang mga FEES. Sa pamamaraan na ito kahit ang pinaka maliit na kumikita ay may paraan para makapag withdraw ng kanilang kita sa Steemit.
Please like on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
If you have not done so please consider "steemgigs" as one of your witnesses, simply vote here using steemconnect. WHY? search for @surpassinggoogle it is his witness account. As other spread hate, fear and uncertainty rooted in greed. He spreads love, compassion, generosity and patience to all even to his detractors.