

Alam ni Prinsesa Emma na malapit sa isa’t isa ang kanyang ina at ang kanyang Tita Louisa. Mas matanda ang kanyang Tita Louisa kaysa sa kanyang ina. Nang sabihin ang kanilang amang hari na ipapasa na ang korona kay Louisa ay natakot ito dahil alam niyang ipapasakal siya sa taong hindi nya mahal at pwede silang paghiwalayin ni Richard na kanyang kasintahan pa lamang ng mga panahong iyon. Kaya kinausap ni Louisa ang kanyang amang hari at ipinaliwanag na ayaw niyang maging reyna ng kanilang palasyo. Nagalit ang kanyang amang hari kaya muntik na siyang mapagbuhatan ng kamay ng kanyang ama nang sumingit sa usapan si Lalaine. Nagulat sila nang sabihin ni Lalaine siya na lamang ang maging reyna ng palasyo dahil sa kilala nya ang ipapakasal sa kanyang Ate Louisa na Si Prinsipe Kevin na anak ng kanilang kasyoso sa kanilang negosyo na kanyang kasintahan. Nagulantang ang kanyang amang hari sa sinabi ni Lalaine, pati ang kanyang kapatid na si Louisa ay nagulat at natameme sa kanyang narinig. Kaya napagkasunduan nilang si Lalaine nalang ang maging Reyna ng palasyo at hindi na si Louisa. Kaya upang makompirmeng hindi gumagawa ng kwento si Lalaine ay inimbitahan ng kanilang amang hari sila Haring Carlo, Reyna Maricel at ang kanilang anak na si Prinsipe Kevin. Sa isang hapunan sa kanilang palasyo.
Kinahapunan nang panahon iyon ay dumating sila Haring Carlo kasama ang kanyang mag inang sila Reyna Maricel at Prinsipe Kevin. Sinalubong ito ng kanyang amang hari at ni Louisa. Mukhang hindi alam ni Haring Carlo ang dahilan ng kanilang pagpunta sa palasyo nila Haring Nathaniel dahil nagsasabi muna ito isang linggo bago papuntahin sila sa palasyo. Pero ngayon ay biglaan kaya nagtanon si Haring Carlo kay Haring Nathanielkung ano ang dahilan ngunit sabi ni Haring Nathaniel ay pagkatapos na lamang nila maghapunan pag usapan ang dahilan ng kanilang pagpunta ng biglaan.
Matapos maghapunan ay pinag usapan nila ang kasal ni Prinsipe Kevin at Prinsesa Lalaine. Nagulat sila Reyna Maricel at Haring Carlo sa kanilang narinig dahil ang alam nila ay si Louisa ang kanilang napag usapan noon. Kaya hinayaan ni Haring Nathaniel na si Prinsesa Lalaine ang magpaliwanag sa kanila. Kaya tumayo si Prinsipe Kevin at Prinsesa Lalaine at sinabi na sila ang tunay na nagmamahalan. Si Louisa naman ay may minamahal ng iba at hindi nya kayang pakasalan ang mahal ng kanyang kapatid na si Lalaine. Nagulat ang mga magulang ni Prinsipe Kevin sa kanilang sinabi dahil hindi nila alam na may kasintahan na pala ang kanilang anak at si Prinsesa Lalaine pa ang kanyang kasintahan. Kaya hindi na tumutol pa sila Haring Carlo at Reyna Maricel dahil mukha namang hindi papapigil ang dalawang nagmamahalang sina Prinsesa Lalaine at ang kanilang kaisa isang anak na si Prinsipe Kevin. Nang matapos nilang maliwanagan ay nagplano na sila kung kelan ikakasal si Prinsesa Lalaine at Prinsipe Kevin. Nagkasundo sila na ikasal ang dalawa agad dahil mahina na ang karamdaman ni Haring Nathaniel. Ikinasal ang dalawa at ipinasa na kay Lalaine at trono upang siya na ang mamamahala sa palasyo.
Kaya ngayong wala na ang mga magulang ni Prinsesa Emma ay siya na ang mamamahala sa palasyo ngunit ayaw na ni Prinsesa Emma na tanggapin ang tronong para sa kanya dahil hindi pa siya handa na maging Reyna ng kanilang palasyo. Masyado na siyang bata upang bigyan ng napakalaking reponsibilidad. Pero pinangako ni Prinsesa Emma na tatanggapin nya rin ang mga responsibilidad na iniwan sa kanya ng kanyang mga magulang. Inalok naman ni Prinsesa Emma ang posisyon sa kanyang Tita Louisa ngunit tumanggi parin ito gaya ng dati. Nagpaliwanag ito kung bakit ayaw niya kahit pansamatala lang para sa kanilang nasasakupan. Hindi niya kanyang pagsabayin ang mga negosyong binigay sa kanila ng kanilang amang hari, pagigging asawa at pagiging ina sa kanyang tatlong mga anak. Naintindihan naman ni Prinsesa Emma iyon kaya ginalang niya ang desisyon ng kanyang Tita Louisa.
Tinanong ni Prinsesa Emma kung nasaan ang kanyang mga pinsan at kung sino ang nag babantay sa mga anak niya. Sumagot ang Tita Louisa niya na ang kanyang panganay na anak na si Emmanuel ay nag aaral sa hay skul. Si Ryzza ang kanyang pangalawa ay nasa elementarya pa lamang at si Rico na bunso ay nasa bahay dahil labing isang buwan palang siya na inaalagaan ng kanilang kasambahay sa bahay. Kaya si Tita Louisa naman nya ang nagtanong kung sino ang lalaking kasama niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Prinsesa Emma dahil hindi niya alam na hindi pa pala nakakauwi si Prinsipe Andrew. Tinanong sya ni Tita Louisa nya kung kasintahan ba niya ang lalaki. Agad namang sumagot si Prinsesa Emma hindi pero napansin ng kanyang Tita Louisa na namumula ang kanyang mga pisngi. Pero hindi na sinabi ng kanyang Tita Louisa dahil magkatulad sila ng kanyang ina na kapag may nagugustuhan ay sobrang namumula ang kanilang mga pisngi. Kaya ngumisi na lamang ang kanyang Tita Louisa.
abangan ang susunod na kabanata....
Nakaraang kabanata:
Kabanata 1 Ang Prinsesa
Kabanata 2 Ang Prinsesa: Pagtingin
#tilphilippines #pilipinas #bayanihan #philippines
Please like on Facebook and Twitter:
https://www.facebook.com/teardropstokens/
https://twitter.com/teardropstokens
If you have not done so please consider "steemgigs" as one of your witnesses, simply vote here using steemconnect. WHY? search for @surpassinggoogle it is his witness account. As other spread hate, fear and uncertainty rooted in greed. He spreads love, compassion, generosity and patience to all even to his detractors.
Thank you to my biggest benefactors madam
I invite everyone to please follow madam in steemit and twitter to learn more about gift economy and support her programs. We can learn a lot from her and one of the very few steemians worth emulating.
https://steemit.com/@stellabelle
https://twitter.com/stellabelle
https://twitter.com/PlanetSteem