Dear Diary,
Badtrip itong araw na ito mga Bes. Paano ba naman ni-nominate akong President eh ayoko naman. Pero nananalo ako eh.(kunyari ka pa). Pero ayoko talaga kasi ang laki kayang obligasyon yun (tagasingil ng ambagan). Pakiramdam ko the world is on my shoulder (english yon,palakpakan nyo naman). At hindi na ako makakakilos ng malaya dahil kelangan kong maging role model sa mga kaklase ko (emeged mukhang model lang ako pero di role model).
Anyway, andyan na yan eh, gabayan na lang sana ako ng universe ( multiverse, omniverse, reverse at kung ano-ano pang verse) Pero alam mo kung ano ang mas badtrip? ( syempre ako rin sasagot ng tanong ko,diary ko ito eh). My God, ang kalaban ko kanina si Macoy, yung crush ko ( sagad sa sadness).
Pukares kasing Mildred yun eh. Tatabasin ko talaga baba nun eh. Ilaban ba naman ako sa mahal ko. (mahal ka rin ba nya). Sya si Marcos Carlos Bustos. Kilala rin sya bilang BongBong, palayaw nya yun ( o di ba Lenie vs BongBong, san ka pa)
Mas may karapatan naman sya maging Class President kesa sa akin. Ewan ko ba bakit ako yung nanalo. Kung kelan last year ko na sa high school saka pa ako napadpad sa ganitong obligasyon. Samantalang si Macoy Class President na yun nung kinder pa. Kaya ko nga sya naging crush kasi nasa kanya na ang lahat.
Insert Daniel Padilla
Nese'ye ne eng lehet
Menemehel keteng tepet (ganito talaga tamang pagkanta nun)
Sana naman di sya ma-off kasi natalo ko sya. Di nya deserve ang ganung ka-painful na experience. Kitang -kita pa naman ang disappointment sa fez nya. If only I can hug him and say "Baby everything will be alright". (ganda ka, papayakap sya iyo ,sa tingin mo)
Cross fingers na lang ako. Cross legs, cross-over, cross-stitch, Sheryl Crus, Donna Cruz ... Lahat na ng cross pati green cross mairaraos ko ito. (tiwala lang, aswang, maluwang, beywang).
Pero ito magandang nangyari. Automatic si Macoy ang Vice President namin. So it means, magkakatulungan naman kami. Shookt, mga bes... sana nga...emeged. Ah basta, look on the brighter side na lang. (pero tatabasin ko pa rin ang baba nung Mildred na yun)
Naku alam nyo ba yang si Macoy, editor in chief yan ng schoolpaper tapos varsity din ng swimming. Oo na.Pinapanood ko talaga mga laban nya. At alam ko ang hugis ng katawan nya at ang size ng ano nya....ng paa. (eh kasi naman advance masyado mag isip, wholesome po ako)
Sikat sya sa school dahil sa cuteness at leadership nya. Eto pa kagaling po nya kumanta. Nagsasayaw din yan.(Di ba nga nese kenye ne ang lehet.) Kaya nga di ko akalain na ako ang mananalong Class President. Macoy is my dream guy. Sana naman mapansin din nya ako. Nagshake hands kami kanina ay ang bango-bango ng kamay nya. Natulala ako teh ng magsmile sya sa harap ko. (para akong Olaf na nasinagan ng araw). Mas cute ang smile nya kapag malapitan. ( walang tinga teh,3x a day magtoothbrush)
Nasa ganitong estado ako ng pagpapantasya habang naglalakad kami ni Mildred pauwi ng bigla ba naman kami harangin ng mga grupo ng kelot na nagsasaksakan. Ay naku badtrip.
Nasira ang day dreaming ko teh. Napaatras ako eh. Syempre nagsasakan nga di ba ( anong saksakan!?). MGA SAKSAKAN NG PANGET!. OO, yung tropa ni Jobert. Jobert, yung buhay na tempura kain katawan tapon ulo, Jobert.
Isang milyong beses ko na ngang binasted yun ligaw pa rin ng ligaw ( ikaw na maganda). Di susuko ang sugpo. May paflowers at chocolate na naman. Syempre kinuha ko yung chocolate tapos yung flowers niyukayok ko sa ngiting-ngiti na si Mildred. (Aba ang hitad tuwang-tuwang. Nagmamaganda pa sa mga katribo nya)
Sa totoo lang mabait naman si Jobert. Yung pagtataekwondo nya dahilan rin ng maganda nyang pigura. Pero wag ka na lang titingin ng mas mataas pa. Maghanda ka na ng kendi pag ginawa mo yun. OO na mabait sa mabait. Pero GGSS kasi ang loko. Nakakabadtrip. Pamalita ba na may crush ako sa kanya at takutin ba iba kong suitor ( sinabi sa iyo maganda ako, ikaw lang eh).
Kahit ganun, gentleman naman sya. Magalang. Maraming kaibigan. Pwede nga sya manalo ng Mr Congeniality Award. Pero ang lintek GGSS talaga. Sarap saktan. Itali ng lubid ang mga paa itapon sa dagat kung saan talaga sya nagmula. Ang lakas ng loob. Ang tibay ng dibdib.
Di ko alam kung may lahi ba ito ni Dagohoy, hindi nasuko. Pumupunta pa sa bahay namin. Akala mo kapamilya. Infariness kasundo nya tatay ko lalo na ang nanay ko. Boto pa mga mudra sa kanya (mambabarang pa ata ang hipon na yun!). Hindi naman ako masusuklam sa Kingkong na ito kung di lang ipamalita na ako ang may gusto sa kanya. Gusto ko tuloy unatin yung kulot nyang buhok.
Hala kanina nagblush on yata. ( Kelan pa naging rosy cheeks ang hipon?! o mas maganda ata kelan pa nagkapisngi ang hipon!?)
Sabihin pa na ganun daw talaga kasi tisoy.
Papulahin ko kayang totoo yung pisngi nya gamit ang sampal ko
Gusto ko na syang budburan ng asin at ihalabos (yun ang tawag sa pinakuluang hipon, kelangan pa ba i-explain)
(At ayoko ng tisoy. Gusto ko moreno gaya ni Macoy. Oh my God Macoy.)
Bad trip di ba!?
Ah basta, si Macoy ang makakatuluyan ko
Kami ang magkakasama ng forever ( o, bakit mahal ka rin ba nya)
Di naman masama mangarap. Mura lang yan. Sais nga lang ang mangarap eh. OO sais lang. Six petot.
Insert Angeline Quinto
Sais ang pangarap
Ako ay naniniwala
di ako titigil hanggat aking makakaya ( o di ba sais lang, abot kaya)
Hay pagod na aketch. Bukas isa na akong Presidente. Una kong ipapatupad eh ipatapon ang mga GGSS para mawala na landas ko Jobert, ay teka mawawala rin ang isa pang GGSS, si Mildred.
Ay naku tigilan. Antok na ako
BABOOSH,
Lenie , ang Presidente.
PS: di ako nandaya.
di rin ako nagvote buying
malinis ang pagkakapanalo ko
kung gusto nyo umapela dun kayo sa Comelec