Siya po ung lola ko, isang napakabait at mapagmahal na lola sa 35 nyang apo at ako po ung panganay nyang apo. Ramdam na ramdam ko pagmamahal mo sa akin o sa aming mga apo mo, binigay mo lahat kong ano gusto namin, ipinag tanggol mo pag inaway kami, nakakatuwa balikan ang mga sandali noong kami ay bata pa
Hindi ko to nasabi sayo minsan man, na mahal na mahal kita at nagpapasalamat ako sa panginoon ng sobra sobra dahil ikaw ang naging lola namin
Isa kang masayahin, mapagbigay matulungin sa kapwa at higit sa lahat matapang at matatag, ano mang unos sa buhay na dumating sayo, lalo na noong dumating ang araw na inatake ka sa highblood sa pangalawang pagkataon at naparelasa, hindi mo ma e galaw ang kalahating parte ng katawan mo. Subalit pinakita mo sa amin na matatag ka, kahit hinang hina kana, tinutulungan mo yong sarili mo na gagaling agad, sumasama ka sa mga apo mo sa pagligo ng dagat, naglalakad naman tayong dalawa tuwing hapon at nag pa theraphy ka sa iyong butihing anak na aking ina tuwing gabi.
Sobrang pasalamat namin sa panginoon dahil lahat na ginawa natin ay nagbunga ngayon ay malakas kana, gumagawa n ulit ng mga damit gown at kong ano pa, sumasabay kana sa mga tawanan namin, La kaming lahat nagpapasalmat sayo ng buong puso sa iyong kabutihan at sana magsama pa tau ng mahabang panahon.
If you have not done so please consider "steemgigs" as one of our witnesses, simply vote here using steemconnect. WHY? search for it is his witness account. As other spread hate, fear and uncertainty rooted in greed. He spread love, compassion, generosity and patience to all even to his detractors.
