Sa kabuohang bilang ng mga bilanggo na nagpositibo sa coronavirus disease sa Pilipinas ay pumalo na sa 240 inmates maging ang mga jail personnel ang dinapuan na rin ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa naging pahayag ni Department of Justice (DoJ) Usec. at Spokesperson Markk Perete, nasa 140 ang persons deprived of liberty (PDLs) na ang dinapuan ng covid sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi nito na mayroon 11 namang Bureau of Corrections (BuCor) personnel ang nagpostibo na sa naturang virus.
Maging sa Correctional Institute for Women (CIW) ay umabot na rin 82 PDLs at pitong miyembro ng personnel ng naturang piitan ang nag-posibito sa COVID-19.
Ang nalalabing penal farms at colonies naman na nasa ilalim ng BuCor ay wala nang naitalang infected ng covid.
Samantala, ipinasakamay na ng DoJ ang 1,400 rapid test kits sa BuCor noong Lunes na gagamitin para sa mga PDLs.
Kaya kinakailangan bumili ng karagdagang 5,000 rapid test kits sa mga susunod na linggo ang GoJust Program na nasa ilalim ng European Union na ibibigay sa DoJ.
Bhong David-CIS MEDIA NEWS PHILIPPINES