Lakad Ng Pag-Asa
Ako'y nakapag-isip kung ano ba talaga
Ang halaga ng buhay ko sa buhay ng iba.
Bawat isa'y may kabuluhan sa mata
Kung nakikita lang rin naman sana.
Tatlong beses sa isang araw, okay na 'to.
Buhay ay lumilipas lang
Buhay ko'y may katapusan.
Ano bang nagagawa ko?
Habang may hinihinga pa ako
Ano ba ang naibibigay ko?
Namulat sa pag-asang pwede kong dalhin at ikalat
Ikalat sa mga taong nangangailangan
Ng edukasyon na walang kamatayan.
Wala man kami'ng yaman at ginto na maialay
Pero ang nais namin ay di biro
Higit pa sa milyones at ginto.
Bigyan natin ng pag-asa
At sa lahat ng may pag-asa,
Bigyan natin ng mga paa.
Kundi determinasyon at paniniwala sa kakayahan ng iba,
Ito'y magtataguyod satin patungo sa pangarap ng isa't isa
Kaya huwag kalimutan ang munting dulot ng Lakad Ng Pag-asa.
Banner photo by Ian Abalos, graphics by 
A big "Thank You" to kuya for his contribution to our
Project, 50% of this post's payout will be rewarded to him. With Gratitude.