Hindi ako isang magaling na makata
Upang makagawa ng magagandang salita
Pero pangako ko sa iyo sinta
Na para sayo itong gawang tula
Alam kong palagi nalang akong tungkol sayo
Pero sa lahat ng nakakaalam ng storya ko
Hayaan ninyong ipalabas ang nasa puso
Dahil ganyan siya kahalaga sa aking mundo
Tinanggap kita at minahal pa rin
Pero bakit nagawa pa rin sa akin
Niloko man ng magkailang beses
Pero ikaw pa rin ang nasa isip
Tatlong taon, taon na pinasaya mo
ang aking mundo
Kakantahin ko na sana sa iyo
Ang "Dahil Sa'yo" ni Inigo
Kung hindi ka lang sana sumuko
Masakit man isipin ,
Pero dapat ko nang tanggapin
Na masaya ka na sa ibang piling
Pero ika'y akin pa ring iibigin
Sabi nila na ako'y isang tanga
Martyr din sa paningin ng iba
Pero ganun naman talaga 'di ba?
Na ang pagmamahal ay isang hiwaga
Minsa 'di mo mawari
Kung bakit ikaw pa rin ang pinili
Sa kabila ng lahat ng iyong gawi
Pero tanong mo nalang kay Mang Edi
Sana ako'y hindi magsisi
Ito lamang ang aking gustong sabihin
Na kung babalik man sa aking piling
Wala pa ring magbabago sa aking pagtingin
Ikaw pa rin ang giliw na iibigin
Mahal na Mahal kita
Walang magbabago ,YAN sinta