Ito ang aking unang kwento para sa isang paligsahan ni
Lakas ng Loob
Lakas ng loob ang tangi kong kakambal at kakampi.Wala akong sinusukuan at walang problema na di ko kayang lampasan.
Mula ng maulila ako sa edad na limang taon at mamuhay na mag isa.Maagang nagtrabaho sa edad na 12 mag aral at magtrabaho upang mabuhay.Hindi ako sumuko dahil kakampi ko ang tibay ng loob.Tumira sa bundok,sa kalsada,naging katulong,tindera, Nag abroad na sugal ang buhay kung makukulong o hindi sa illegal kong pag aabroad.
Lahat ng iyon ay nalampasan ko dahil sa lakas ng loob at alam ko na lakas ng loob din ang magdadala sa akin sa tagumpay.Gaano man kahirap ay hindi ko uurungan .
Lakas ng loob kahit saan at kahit kailan ay syang talagang maasahan.
Sanay nagustuhan ninyo ang aking maikling kwento .