photo taken from Google.com
"MASKARA"
noong una nating pagsasama
kay sarap damhin sa aking ala-ala,
mga tawanan at mga hiyawan nating dalawa
na para bang wala ng bukas na darating pa.
palagi kung inisip kapag akoy nag iisa,
mga kahapon nating puro ligaya lang ang nadarama,
na para bang walang problema at lungkot na inaalala.
kwentohang walang humpay basta ikaw ang kasama.
mga halakhak mo'y para bang tinig ng anghel sa aking tinga,
o kay sarap pakinggan ang boses mo sa twina.
tulad ng mga ibon na umawit sa puno ng nara,
mapakinggan ko lang ang boses mo,kumpleto na ang aking umaga.
ngunit sa hindi inaasahang panahon,
para bang kinalimotan mo na ang mga taon,,
mga taon na ng silbing tulay sa ating kahapon
kahapon na syang nagbibigay buhay sa aking mga illusyon.
akala ko hindi na darating ang ganitong sitwasyon,
na ikaw ay magbabago ng disisyon.
mga ala-alang kay daling nilimot ng panahon
kay sakit palang isipin na wala kana sa piling ko ngayon.
mga ipinakita mo sa akin noon,
mga ligayang pinag sasaluhan natin buong maghapon.
wala palang halaga ang mga iyon,
kaya pala ang dali mong nakalimot sa ating relasyon.
pinilit kung inintindi ang nangyari,
dahil alam mong mahal kita kahit anu pa ang mangyari.
ngunit laking gulat ko ng aking nalaman
isa ka palang salawahan, at sa "maskara" naka tago ang totoo mong katauhan.
salamat po sa pag basa nang akinh tula..sana po ay nagustohan nyo!
Dont forget to follow