"BAGYO"
https://pixabay.com
Umihip na ang hangin mula sa kanluran.
Inaabangan ang kanyang pagbabalik,
Inaantabayanan ang kanyang pagdaan.
Dahil ang bisita ay mahangin at may kalakasan.
Ibayong pag-iingat ang dapat isaalang-alang,
Dahil una sa lahat ang kaligtasan.
Kasabay ng pagdampi ng basang hangin.
Ang kanyang bugso ay mala ipo-ipo,
Hudya't na may paparating na "BAGYO".
Kasabay na tumangis ang karamihan.
Ang buong nayon ay di-nakaligtas sa baha,
Maraming tahanan ang nawasak, nasira.
Hatid niya ay magbigay ng biyaya.
Hindi niya nais kumitil ng buhay,
Hangad niya ay magbigay buhay.
Sa mga hayop na sakanya ay umaasa.
Ulan na dadampi sa tigang na lupa,
Upang pagyamanin ang yamang-lupa.
Sa huli nagpasalamat sa kanyang pag-alis.
May nagpasalamat sa panibagong bukas,
Ang iba sa panibagong pag-asa sa hinaharap.
Mamamayan ay nagbuklod at nagbayanihan.
Ikaw, ako, tayong lahat ay nagtulungan,
Ipinakita ang diwa ng pagmamahalan.
Maraming Salamat sa Pagbasa!
Steemitly yours
cradle
Please Vote for
,
,
,
,
for witness. It will be really helpful.
To vote my witness, simply visit https://steemit.com/~witnesses and type in into the first search box for witnesses.
Join us at Steemgigs Community on discord: https://discord.gg/CGuPyyT
Join us at Steemit Philippines | Steemph discord channel at https://discord.gg/2UghxdN
Join us at Gratefulvibes Family on discord | https://discord.gg/JYUnUWV