Parang ikaw at ako, kahit magkalayo ang mundo mo at mundo ko, pilit pinagtagpo at pilit din pinaglayo.
Tama na sana ang panahon nun, na....iharap ka sa dambana, na alam ko na ikaw na ang syang babae na sa aking buhay ay magpapaligaya.
Pero bakit sa tamang panahon pa mawawala ang babaeng matagal na pinapangarap?Tama ngaba ang umibig sa tamang panahon? pero yun ding panahon na yun ang dahilan sa pagkawasak ng lahat?
Bakit sa isang idlap kinuha ka nya? To na ba ang tamang panahon para makapiling mo na ang ating panginoon? at di na ako na syang nagmahal sayo mula noon hanggang ngayon?
Sana sa maling panahon nalang kita nakilala, baka swerte pa...keysa, tamang panahon pero kamalasan ang dala!
Yung tamang panahon para harapin ang katotohanan na wala ka na, na di na muling masisilayan ang matatamis mong ngiti na palaging nagpapaalala sa bawat araw na kahit anong problema at pagsubok dapat kinakaya kasi andyan ka.
Kilan ba ang tamang panahon na ika'y kalimutan sa puso't isipan? Ni sa pagtulog at pagising ko hanap ay laging ikaw.
Kilan ngaba ang tamang panahon para matanggap ang masakit na katotohanan na sa pag gising ko, di ko na maririnig ang "I Love You" galing sayo. Na araw-araw miss mo ko, kahit magkasama tayo sa iisang kwarto.
Kilan ngaba talaga ang tamang panahon para masagot ang mga tanong? Mga tanong na parang mga karayum...bawat tusok, bawat kirot, bawat sakit, pangalan mo ang laging banggit.
Yung gusto mo nang sumuko at isigaw sa buong mundo na "tama na! di ko na kaya, gusto ko na ring mawala."
Mahal, sana dumating ang tamang panahon na magpakita ka saglit kahit sa panaginip, at sabihing..."Halika na, gusto na kitang mayakap at makapiling ulit". Pero bakit? Kahit anong pilit kong managinip ay pilit din na sa akin ay pinagkait.
Tamang panahon, sana'y masagot mo na ang aking mga tanong kahit idaan mo na lang sa hangin at sa tinga ay e bulong.