Magandang Umaga Makatang Pinoy!

Lubos ang aking galak sa napakaraming na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Realisasyon". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.
Sa totoo lang, naging sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito dahil nakakaantig ang Tema ng patimpalak na ito.
2nd runner-up
Noon lagi kong ikinukumpara
Ang sarili ko at ang kalagayan ng iba
Iniisip ko na hindi makatarungan
Ang mundong aking ginagalawan
Word Poetry Challenge #14: Realisasyon
1st runner-up
Ang mabuhay ay sadyang kay ganda ngunit
Minsan man ay ligaya may nadarama paring pait
Sadyang mapaglaro kung minsa'y malupit
Walang minimintis kahit gaano ka man kabait
"Word Poetry Challenge #14 : Realisasyon"
CHAMPION
Sa buhay napakarami kong realisasyon,
Tungkol sa pamilya, kaibigan pati na sa relasyon,
Bawat isa gusto kong bigyan ng reaksyon,
At ibahagi ang mga natutunan kong leksyon.
Word Poetry Challenge #14 : "Realisasyon"
Maraming Salamat sa Pagsuporta!
Pruweba ng Gantimpala
Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :
Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito
Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :
- Inaanyayahan ko kayong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
- Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord
#9609 o sa email ijassenn@gmail.com
- Kung maaari I-upvote ang post na ito.