Magandang Umaga Makatang Pinoy!

Lubos ang aking galak sa napakaraming na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Pagbabalik". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.
Sa totoo lang, naging sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito dahil nakakaantig ang Tema ng patimpalak na ito.
2nd runner-up
Sa panahon ng ating pagsasama
Ramdam natin ang lubos na saya
Sa hirap man at ginhawa
Tayo ay magkasama
Word Poetry Challenge #15 : Pagbabalik
1st runner-up
Minahal kita kahit alam ko’y di tama
Hinayaan kong magustuhan ka kahit mayroon kang iba
Umaasa pa rin ako na sana maging tayong dalawa
Dinggin sana ang pusong matagal na nangungulila
Word Poetry Challenge #15 : “Pagbabalik”
CHAMPION
"Mahal kita", "Di ako mawawala" at "Di kita iiwan",
Mga salitang namutawi sayong labi bago ka lumisan.
O'kay sarap pakinggan at damhin sa damdamin,
Mga pangako mo sa aking inihabilin.
Word Poetry Challenge #15 : "Pagbabalik" | My entry

Maraming Salamat sa Pagsuporta!
Pruweba ng Gantimpala
Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :
Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito
Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :
- Inaanyayahan ko kayong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
- Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord
#9609 o sa email ijassenn@gmail.com
- Kung maaari I-upvote ang post na ito.