Pamagat ng Tula : TULAY
Imahe mula sa : https://markdanfiel94.blogspot.com
Naa-alala ko pa yung mga panahong dati
Sa tulay ang ating naging tagpuan parati
Naglalakad habang ang hangin ay umiihip
Magkahawak, ang kamay ko'y iyong hagip
Naglalakad habang minamasdan ang ilog
Agos ay dalisay dinig pa natin ang tunog
Pilit nating binabaktas ang kabilang dako
Nagkukwentuhan habang hawak ang kamay ko
Dati yun, yung ang mga panahong may tayo.
Ngayon, ako'y naiwan sa isang sulok sa kanto.
Umiiyak habang iniisip kung anong mali ko.
May mali ba sakin? Sabihin mo ng maiba ko.
Bakit moko iniwan at ipinagpalit sa iba?
Ano bang nagawa ko para iwan mo ng bigla?
Ang mas masakit pa, sa lugar na naging tayo
Ang tulay kung saan ikaw sa akin ay nangako.
Bakit? Bakit? Saan ba ako nagkulang sa iyo?
Nang sa ganun naman ay mapunan ko.
Ikaw ang buhay at hiling nitong aking puso.
Pero bakit mo dinurog at iniwang nagdurugo.
Ito'y aking opisyal na entry para sa patimpalak ni ginoong sa paligsahang : WORD POETRY CHALLENGE na may temang : TULAY. Maraming salamat at Gabayan sana tayo ng panginoon.
