Gintong Medalya
Kay sarap lang talagang pakinggan
Sa katapusan ng bawat pasukan
Pangalan mo ang palaging nasa unahan
Pangalan mo ang nangunnguna sa listahan
Kay sarap maramdaman na dalidali kang uuwi ng bahay
Para ibalita kina ate, kuya, nanay at pati na ka tatay
Ipagmalaki at ipagsasabi ang naabot na tagumpay
Isang tagumpay na isa ring minimithi sa buhay
Yung masarap na panginginig na dala ng saya kapag tinawag kana
Yung sabik kang ibigkas ang pangalan mo kahit unang letra pa
Yung puso mong halos sumabog dahil sa naghalong kaba at saya
Yung nakikita mo ang nanay at tatay mong pinagmamalaki ka
Aakyat sa intablado habang ang nanay at tatay ay nasa bawat gilid
Isasabit ang gintong medalya habang pumapalakpak ang paligid
Nawala ang kaba, ang saya sa aking dugo ay lalo pang sumisid
Kabang nararamdaman kanina ay hindi na makita, hindi na mabatid
Pero ang lahat ng sarap na yan, ay hindi ko naranasan
Gintong medalya, hindi ko natanggap kahit minsan
Sa pag aaral niminsan hindi ako naparangalan
Sa bawat pagtatapos hindi nakalathala ang aking pangalan
Nay pasensya na't sa intablado hindi kayo naka akyat
Gintong medalya hindi ko nakuha hindi ko nasibat
Nay, pasensya na at sa lahat ng bata ako pa ang naging anak mo
Bulakbol sa pag aaral, bobo, sa buhay ay walang plano
Pero Nay, salamat at hindi niyo parin ako sinukuan
Sa pag papalaki sa akin hindi nyo ako pinabayaan
Kahit ano na ang aking ginawang kabulastugan
Pagmamahal nyoy hindi nagbago kahit minsan man
Hindi ko man natikman ang bawat sarap na natikman nyo sa ibabaw intablado
Ang medalyang natanggap ko ay labis at higit pa sa ginto
Hindi nasasanla, walang kapilit at hinding-hindi ko ibibinta to
Mababait na magulang ay ang medalyang gintong natanggap ko
kamusta po Ginoong , heto po ang akong akda
na ilalahok sa paligsahan ng pagsulat ng tula
Sana po ay hindi pa huli
at sana ako pa ay makasali
UPVOTE | RESTEEM | FOLLOW