Gintong Medalya
Lahat tayo'y mayroong pangarap,
Tagumpay na gusto nating malanghap.
Pero ang lahat ay hindi madali,
Sa buhay nating minsay mapagkunwari.
Nakakaranas tayong lahat ng pait,
Minsan masaya, minsan masakit.
Di lahat naaayon sa ating plano,
Dahil may Panginoong may ibang gusto.
Sa buhay natin kailangan magsikap,
Di man madali pero kailangang maghirap.
Dahil mas masarap kung tinatamasa,
Mga nakakamtang dumaan sa dusa.
Dapat isipin ng bawat anak,
Lahat ng paghihirap ng ating kamag-anak.
Sila ang dapat maging inspirasyon,
Sa bawat paghakbang sa edukasyon.
Pagiging matalino't masipag,
Ang siyang nagpapatatag,
Sa ating isip at kalooban,
Sa lahat ng maari pa nating pagdaanan.
Kaya sa bawat taong mayroong pangarap,
Doblehin ang iyong pagsisikap.
Para maabot ang gintong medalya,
Na iaalay mo sa iyong pamilya.
Ito po ay ang aking isinulat para sa patimpalak ni na pinamagatang "Word Poetry Challenge #3 : Gintong Medalya".
Kung gusto nyo pong lumahok, pwede nyo pong tingnan ang mga dapat sundin sa sinabing patimpalak sa ibaba.
"Word Poetry Challenge #3". Tema : "Gintong Medalya" | Tagalog Edition