PAGSUBOK
Naranasan mo na ba,
Na malunod sa bumabahang problema?
Sa lalim at lakas ng agos di ka makahinga
Nasuong ka rin ba sa gubat ng suliranin?
Sarili mo'y parang sa mga leon inihain.
Dumadating ba sa buhay mo,
Ang pagsubok na parang nagliliyab na palaso?
Isang daan ang bilang tumutusok sa puso
Walang maisipang mabisang sandata
Kundi ginawang panangga ang sariling luha.
Nakatikim ka na ba,
Ng pait na bunga ng pagkabigo?
Parang lasong kumalat sa katawan mo
Inuubos ang natitirang lakas na nasa iyo
Humina ang pag-asa, isip mo'y tuliro.
Subalit kaibigan,
Lahat nang mga ito ay may hangganan
Tulad ng panahon, tumitila din ang ulan
Tiisin ang lahat, lawakan pa ang pananaw
Humugot ng lakas sa pangarap mong tinatanaw.
Nadadarang ka man,
Sa naglalagblab na apoy ng pagsubok
Laging alalahanin, "Ang ginto may sinusubok
Dinadaan sa apoy upang madalisay
Nang upang malaman kung ito ay tunay!"
Kaya huwag mabalisa,
Ramdam man ang nakakapasong init
Dala ng pagsubok sa iyo'y gumigipit
Sa Dios magtiwala, huwag sa patalim kumapit
Hintaying maigi ginhawang, tiyak na sasapit!
Ito po ang aking entry para sa patimpalak na inanunsiyo ni kabayang
sa link na ito: https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-10-pagsubok-or-tagalog-edition
Maraming salamat po!
==========V=0=T=E==F=O=R===========
Have you voted your witness?
Consider casting your witness votes for (
),
,
,
,
,
,
, and
who have been adding invaluable contribution to the community.
To cast your votes, just go to
https://steemit.com/~witnesses
=========S=T=E=E=M=G=I=G=S=========
Much love, God bless!
Your UPVOTE|RESTEEM|FOLLOW, will always be my source of inspiration!