Pasensya ka na at hinayaan kita
Ang akuhin lahat ng sakit na minsa’y di na kaya
Sinalo mo lahat ang puot ng kahapong di inakala
Na tila minsa’y nagmamakaawang matigil na
Labis ang aking panghihinayang
Sa mga masasayang panahon ngunit ito’y sinayang
Naghihintay ng sagot ang isip kong nagaabang
Kung saan nagkamali, kung saan nagkulang
Araw ,linggo at taon ang nagdaan
Subalit eto ka, namumuhay sa isang madilim na karimlan
Hindi makita ang direksyon kung saan
Hindi makaalis alis kahit pilit man itong takasan
Pinipilit mong maging masaya
Subalit puno ng kalungkutan ang nadarama
Itago man lahat ito sa guhit ng nakangiting mukha
Ngunit pintura ng pangungulila ang nakikita
Nagsimula sa gabing akala’y walang hangganan
Ngayon tinapos sa dulo na mahirap paniwalaan
Kaya’t papalayain ko na ang puso kong walang kasalanan
Papalayain ko na ang puso kong nakaposas sa nakaraan
Salamat po sa pagbabasa.