Nang ang aking mundo’y nagugunaw
Sa di inaasahan, natagpuan ko ang isang ikaw
Titig sayo ng aking mata’y di ko maigalaw
Pagkat ako’y sigurado, puso ko’y iyong pinukaw
Natakot ako baka ako’y di mo gusto
Aking nararamdaman ay pilit kong tinago
At sa pagbilang ko ng isa dalawa tatlo
Mahal kita at ako’y siguradong sigurado
Laging bumubulong sa halik ng hangin
Na sana lahat ng aking hiling ay dinggin
Paulit ulit na binibigkas ang nagiisang panalangin
Na sana’y dumating ang panahon na ika’y maging akin
Tumitingala lagi sa liwanag ng bwan
Ngumingiti at ang mukha mo’y naiwan sa aking isipan
Alam ko, ikaw ang sagot sa lahat ng katanungan
Sa buhay kong kailanma’y totoong pagibig, di naranasan
At sa aking paghihintay, dumating ka
Ligaya sa aking pagmumukha ay kitang kita
Eto na nga ba ang inaantay kong pagasa?
O ako lang ay muling aasa?
At sa akala kong tamang pagkakataon
Tila ang puso ko at ang puso mo’y hindi sumangayon
May mahal kang iba at kailangan kong tanggapin iyon
Pinikit ang aking mata na tila ang puso ko ay may nais itugon
Kung may pakpak lang sana ako
Lilipad ako sa kabilang dako kahit gaano man ito kalayo
Lilipad ako sa kabilang mundo kasama ang malungkot kong puso
Lilipad ako hanggang ang pakpak ko’y mapagod at sumuko
Ganun pa man, ikaw pa rin ang nagiisang mahal ko
Ikaw pa rin ang nakikita sa gulong gulo kong mundo
Ikaw pa rin ang nakikita sa nagsisilitawang anino
Ikaw pa rin ang nais makasama hanggang sa dulo
Aantayin kong sasangayon ang takdang pagkakataon
Paniniwalaan ko ang sinasabing tamang panahon
Hanggang sa kailanman, ang ikaw at ako
Balang araw ay magiging tayo
Salamat po sa pagbasa.