Ibat ibang desinyo iyong masasaksihan, ito'y kahanga-hanga,
Ipinapakita ang mga nakaugalian nating pananampalataya,
Araw na lingo, selebrasyon na nakasanayan nating mga tao.
Indikasyon na tayo na, magsimba dito sa espesyal na tahanan,
Pusong uhaw at galit, dito ay epektibong mahihimasmasan,
Idasal mo lang mga pighati at lungkot, ito’y talagang maiibsan.
Tugtog ng mga instrumentong kay ganda ng mga himig,
SA bawat kanta na inaawit, Puso’y napapagaan, ito’y kaibig- ibig.
Mga magagandang balita ay inihahatid, puso mo’y maaantig.
Dito natin masasaksihan ang mga taong gustong magpakasal,
Binyag ng mga bagong silang, ikakatuwa ng ating may kapal,
Dito natin mauunawaan na tayo ay isang kristyanong may dangal.