Pinagmulan
"Simbahan"
Tahanang maituturing ng mga Kristiyanong nagkakaisa,
nananatiling matatag lumipas man ang ilang dekada,
kasaysayan ng pagkakapatiran ng pananampalataya,
pook pasasalamat sa mga ipinagkaloob na biyaya.
Yaong apat na sulok na nagsilbing saksi,
ng bawat pusong tapat at handang magsilbi,
pangako ng pag-ibig sa dambana na walang hanggan,
sa hirap at ginhawa, maging kabilang buhay man.
Apat na sulok na nagdiriwang sa pagdating,
ng bagong anghel, bagong Kristiyanong pagpapalain,
Naturang sulok ay naging saksi rin sa bawat paglisan,
hinagpis, pagtangis ng mga mahal na nagpaalam.
Sa ating pagkakalugmok ay nananatiling bukas yaong pinto,
Upang tayo'y papasukin at sa katahimika'y ating mapagtanto,
Na sa tahanan ng Panginoo'y naroon ang ating Ama,
Upang dinggin ka't bigyan ng kapayapaan at bagong pag-asa.
Ito ang aking partisipasyon sa ika-pitong edisyon ng patimpalak ni na may temang "Simbahan". Sana ay magustuhan ninyo. Mabuhay mga Makatang Pilipino!
- We offer Upvote service. Single and Monthly subscription, check the details here.
- Get an Upvote rewards by following our curation trail.
Also, Please support our Curation Team that aims to reward good quality Thai content creator.
Thank you to for supporting our writings too.
Kindly continue supporting who has been very helpful. Vote "Steemgigs" as witness by going to https://steemit.com/~witnesses