PAG-ASA
Namulat sa magulong kapaligiran
Problema ng Pamilya'y kaliwa't kanan
Pangarap sa buhay ay mahirap maisasakatuparan
Dahil sa labis na kahirapan
Datapwat patuloy na nakipagsapalaran
Sa mga pagsubok ay unti-unting nakasanayan
Natutong lumaban sa kahit kanino man
Maipagtanggol lang ang sariling karapatan
Sa bawat pagkakadapa'y pilit bumabangon
Sa mapaghusgang lipunan ay di lumilingon
Patuloy sa paglalakbay tungo sa pangarap na binuo
Upang makakamtan ang buhay na gusto ko
'Di nawalan ng pag-asa kahit kailan
Dahil may Dios akong kinakapitan
Mabait, mapagmahal at makapangyarihan
Sa lahat ng oras ako'y ginagabayan
Lalong-lalo na nang dumating ka sa buhay ko
Biglang nagliwanang ang madilim kong mundo
Nabigyan ng bagong pag-asa at kulay ito
Na tila ang gaan sa pakiramdam at nakakapanibago
Naging inspirasyon para sa mas makabuluhang bukas
'Di madali pero nabigyan ng panibagong lakas
Lahat ng panalangin ay naririnig sa taas
Lubos na nagpapasalamat sa kahirapang unti-unting nagwawakas.
Sana'y inyong nagustuhan ang aking orihinal na akda. Maraming salamat po.