Maari bang kumanta ka para sa akin..
Gusto kong pakinggan ang malamyos mong tinig..
Hayaan na ang aking puso ay mapuno ng kagalakan..
Hindi ko hinihiling sa iyo na ikay sumulat ng isang bagong kanta
Makalumang pag haharana lamang sakin ay sapat na
Kumanta ka lamang ng anumang awitin na magpapaalala sa akin saiyo
Aking mahal
Maaring kumanta ka ng mula sa puso
Hayaan mo akong madama ang iyong pagibig
At maramdaman ko ang iyong pagmamahal
Lumapit ka sa akin at kumanta ng malambing
Sa pamamagitan ng liriko ng awitin
Ipaalam sa akin ang iyong tunay na damdamin